Pahina Dos
ANO ang sumasaisip mo kapag naririnig mo ang tungkol sa mga taong natutulog sa mga bangkô sa parke at sa mga bangketa o nagsisiksikan sa mga kahon na karton o nasa ilalim ng mga pilas na plastik? Ang kahabag-habag na mga tanawing gaya nito ay malawakang inilathala sa mga news media, at pamilyar na rito ang mga naninirahan sa lunsod. Subalit ang problema tungkol sa tinatawag na mga taong lansangan, na nakaliligalig, ay maliit na bahagi lamang ng panlahat na larawan ng pambuong daigdig na kakulangan ng tahanan at kawalang-tahanan. Ano nga ba ang tunay na larawan, at gaano ba kalubha ito?