Pahina Dos
Halos lahat ng salinlahi ay gumawa ng mga prediksiyon nito tungkol sa pagkanalalapit ng katapusan ng sanlibutan.
Nangangahulugan ba iyan, kung gayon, na walang saligan ang ipinahahayag ng mga Saksi ni Jehova sapol noong 1914—ang katapusan ng sistema ng sanlibutang ito at ang nalalapit na bagong sistema ng sanlibutan na babago sa lupang ito tungo sa isang paraiso? Ito ba’y pawang maling interpretasyon? Sa kabilang dako, kung tama ang mga Saksi ni Jehova, paano ka apektado niyan?
Ang mga kasagutan sa mga tanong na ito ay mahalaga sa ating lahat, lalo na ngayon na tayo’y nabubuhay sa isang pambihirang yugto ng kasaysayan, ang panahong nuklear, kung saan ang tao sa kauna-unahang pagkakataon ay maaaring magsabi, “Maaring wala nang maging mga anak o mga apo.”