Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 8/22 p. 32
  • “Lunas sa Lahat ng Ating Problema”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Lunas sa Lahat ng Ating Problema”
  • Gumising!—1988
Gumising!—1988
g88 8/22 p. 32

“Lunas sa Lahat ng Ating Problema”

Iyan ang sabi ng isang kabataan buhat sa Puerto Rico sa aklat na Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. Siya ay sumulat:

“Hindi pa natatagalan sumulat ako sa inyo tungkol sa problema ko, ang masturbasyon, at ako’y humiling ng payo sa inyo sa pamamagitan ng paglalahad ng ilang impormasyon sa inyong magasin. Bueno, binigyan ako ng kaibigan ko, isa sa mga Saksi ni Jehova, ng aklat na Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito upang basahin. Ito ay nangyari mga isang buwan na ang nakalipas. Nais kong malaman ninyo na mula nang basahin ko ang kabanata 5 ng aklat ng ito, hindi ko na muling ginawa ang bisyong ito. Natanto ko na ang masturbasyon ay talagang hindi kailangan ng isa. . . .

“Nais ko sanang basahin ng bawat kabataan ang aklat na ito anuman ang kanilang kinaaanibang relihiyon. Ang lahat ng mga kabataan ay may magkakatulad na problema, at ang aklat na ito ay parang isang kayamanan, sapagkat taglay nito ang lunas sa lahat ng ating problema. . . . Dapat kayong patuloy na maglathala ng mga aklat para sa mga kabataan sapagkat sa isang daigdig na punô ng droga at imoralidad, ang aklat na ito ay parang isang baso ng napakalamig, nakarirepreskong tubig.”

Bukod sa pagtalakay sa masturbasyon at homoseksuwalidad, tinatalakay rin ng aklat na ito ang paggamit ng droga at alkohol, palakasan, musika, pagsasayaw, pagdi-date, pagliligawan, at maraming iba pang bagay na nakakaapekto sa mga kabataan. Tumanggap ng isang kopya sa pamamagitan ng pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kalakip na kupon pati na ang abuloy na ₱14.

Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatan 192-pahinang aklat na Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. Ako’y naglakip ng ₱14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share