Pahina Dos
Ang problema tungkol sa pambubugbog ng asawa ay bumabagtas sa lahat ng hangganang pang-edukasyon, panlipunan, at pangkabuhayan. Ang bawat lahi, etnikong pangkat, at ang di-Kristiyano gayundin ang “Kristiyanong” relihiyon ay mayroong mga manggugulpí ng asawa. Sila ay mga doktor, abugado, negosyante, hukom, pulis, at ang karaniwang tao sa lansangan. Kabilang dito yaong may malalaking kita at mga lalaking umaasa sa tulong ng gobyerno o welfare.