Pambansang Obserbatoryo ng Kitt peak
Nasa itaas ng tuktok na ito sa Bundok Quinlan, 90 kilometro timog-kanluran ng Tucson, Arizona, ang pinakamaraming kalipunan ng optikal na mga teleskopyo. Ang mga astronomo ay nanggagaling sa buong daigdig, mga 7,000 na nakikipagpaligsahan sa pribilehiyong magamit ng mga ilang gabi sa isang taon ang sarisaring teleskopyo. Ang lahat ay maaaring gamitin ng kuwalipikadong mga siyentipiko, subalit limitado ang panahon. Ang pagpili ay batay sa siyentipikong merito ng mga proyekto sa pananaliksik na binabalak.
Mayroong 22 teleskopyo sa 2,100-metro-ang-taas na Kitt Peak—14 para sa pambansang obserbatoryo, 8 iba pa na ginagamit ng mga unibersidad o ng iba pang mga grupo. Mayroong apat na uri ng teleskopyo: optikal, radyo, infrared, at ang pinakamalaking solar na teleskopyo ng daigdig.
Ang araw ang hari sa Arizona sa loob ng mga ilang buwan, subalit sa isang hapon at gabi sa tag-araw sa Kitt Peak, ito ay maaaring biglang agawan ng korona. Ang madilim na mga ulap ay lumalapit sa tuktok ng bundok. Umiikot, nagngangalit na kulog ay kumukulo paitaas ng mga 13 kilometro o mahigit pa. Hinahati ng kidlat ang langit, ang kulog ay humahaginit na parang dambuhalang hagupit, bumubuhos ang malakas na ulan. Tag-ulan sa Kitt Peak. Ang nakasisilaw na pagtatanghal na ito ay humahalili sa langit, at sa loob ng ilang panahon inaagaw nito ang palabas sa mga teleskopyo.
[Picture Credit Line sa pahina 31]
G. Ladd