Pahina Dos
Maraming sanggol, karaniwang tinatawag na kulang-sa-buwan, ay ipinanganganak na maaga sa panahon. Bakit? May mga paraan ba upang hadlangan ito? Gaano kaaga isinisilang ang ibang mga sanggol, at gaano sila kaliit? Paano ito nagiging isang problema? Ano ang maaaring mangyari sa mga sanggol na isinilang na maaga? Ano ang kanilang pantanging mga pangangailangan? Ano ang magagawa ng pamilya at ng mga kaibigan upang tumulong? Sa labas na ito, susuriin ng “Gumising!” ang mga ito at ang nauugnay na mga suliranin.