Pahina Dos
Ang Holocaust—ay salitang nagpapagunita sa sistematikong pagpatay sa angaw-angaw na mga Judio sa ilalim ng rehimeng Nazi ni Hitler sa Alemanya mula noong 1933 hanggang 1945. At ito rin ay nagbabangon ng maraming katanungan:
Talaga bang nangyari ito?
Ang Holocaust ba ay dapat ituring na isa lamang trahedyang Judio?
Bakit kailangang ungkatin pang muli ang paksang ito, mahigit na 40 taon pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II?
Mayroon bang tumutol magsundalo dahil sa budhi sa mga patakaran ni Hitler?
Bakit pinayagan ng Diyos na mangyari ang Holocaust?
Ano ang pag-asa ng angaw-angaw na pinatay o pinagtrabaho o ginutom hanggang mamatay noong madilim na panahong iyon? Ang kanila bang kamatayan ang huling hatol sa kanila, o sila ba’y muling mabubuhay?
Isasaalang-alang ng aming panimulang serye ang mga katanungang ito.