Limot Na ng mga Relihiyon ang “Una at Pangunahing Atas”
SINABI ni Jesus na ang una at pangunahing atas ng mga Kristiyano ay ang ipangaral ang “mabuting balita [ebanghelyo] ng kaharian.” (Mateo 24:14) Sa halip, kadalasang itinataguyod ng mga relihiyon sa buong daigdig ang ilang pulitikal na mapagpipilian sa mga miyembro ng kanilang parokya. Sa pamamagitan ng bibigang mga sermon, ng pahayagan, at pati na ng pastoral na mga liham, ang karaniwang tao ay hinihimok na itaguyod ang mga digmaan at iba pang marahas na mga kilusan na nakikipagbaka sa tatag na mga pamahalaan. Sila ay pinasisiglang sumali sa mga boykoteo at mga protesta sa iba’t ibang pulitikal na layunin.
Ang pulitikal na pakikialam na ito ay tumanggap ng labis-labis na atensiyon ng mga relihiyon anupa’t ang babasahing Olandes na Kerk en Theologie (Simbahan at Teolohiya) ay nagsasabi na ang pangunahing misyon ng mga relihiyon ay naging pangalawahin na lamang. Ipinahayag nito sa bagong rebista nito ng aklat na Alles is politiek, maar politiek is niet alles (Lahat ng bagay ay Pulitika, subalit ang Pulitika ay Hindi Siyang Lahat ng Bagay): “Ang simbahan . . . ay dapat lumayo sa pulitikal na mga pagpapahayag. . . . Ang una at pangunahing atas nito ay ang paghahayag ng Ebanghelyo.”