Pahina Dos
“Ang mga opisyal sa Latin Amerika ay nagbababala ngayon na sa bansa at bansa, ang bumababang pamantayan sa buhay ay nagbubunga ng kawalan ng pag-asa na nagbababala ng masamang pagkabulok ng pulitika.”—The New York Times, Nobyembre 29, 1988.
Noong 1980’s, minasdan ng angaw-angaw na mga tao—na lubhang naghihikahos—na higit pang kinakain ng implasyon ang kanilang kakaunting kita. Para sa kanila, ito’y hindi lamang isang suliranin kung paano pakikitunguhan ang pagtaas ng bilihin kundi, bagkus, ng pagpupunyagi upang mabuhay. Napansin mo ba ang pagtaas ng halaga ng pangunahing mga pagkain sa inyong bansa? Wari bang ang iyong bag ng groseri ay paliit nang paliit sa halaga ng salaping iyong ginagasta? Kung gayon, gaya ng maraming tao, nalalaman mo buhat sa karanasan na ang halaga ng bilihin ay tumataas.
Mayroon bang lunas?