Pahina Dos
Ang manigarilyo o huwag manigarilyo, iyan ang tanong. Ito’y karaniwang nakakaharap kung ikaw ay isang tin-edyer. Walang obligasyong nasasangkot. Ito’y isang kusang pagpapasiya. Subalit sang-ayon sa mga autoridad sa medisina, isa itong pasiya na maaaring magkaroon ng malubhang mga epekto sa iyong buhay. Maaari pa nga nitong tiyakin kung kailan at paano ka mamamatay.
Kung gayon, ang mahalagang mga katanungan ay ibinabangon: Naaayon ba sa etika ang mag-anunsiyo ng mga produkto ng tabako? Moral na mabibigyan-katuwiran ba ang pagluluwas ng kalakal ng tinatawag na mga bansang Kristiyano ng kanilang mga produkto ng tabako, sa ibang bansa? Ang mga ahente ba ng sigarilyo ay nagbibenta ng sakit at kamatayan? At yamang pinipili ng mga tao na manigarilyo, talaga bang mahalaga ito?