Pahina Dos
ANG TULIS-TULIS NA LINYANG ITO AY ISANG LARAWAN NG MALAGIM NA MANGYAYARI SA PANANALAPI.
Ito’y kumakatawan sa pagbagsak ng New York Stock Exchange noong Oktubre 1987. Sa isang araw lamang ang pamilihan ay bumagsak ng di-maubos-maisip na 508 puntos at idinamay pa ang ibang mga pangunahing 22 pamilihan ng daigdig. Bakit nga bumagsak ang mga pamilihan nang ganiyan na lamang? Ano ba ang kahulugan sa iyo ng kanilang pagbagsak?