Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 10/8 p. 31
  • Sadyang Ikinakalat ang Kamatayan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sadyang Ikinakalat ang Kamatayan
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Bakit Lubhang Lumaganap ang AIDS?
    Gumising!—1988
  • Pagtulong sa mga May AIDS
    Gumising!—1994
  • AIDS—Kung ano ang Dapat Malaman ng mga Magulang at ng mga Anak
    Gumising!—1991
  • Sino ang Nasa Panganib?
    Gumising!—1986
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 10/8 p. 31

Sadyang Ikinakalat ang Kamatayan

BAGO patayin ng AIDS ang mga biktima nito, nag-iiwan ito sa kanila ng nakatatakot na pananagutan: isang kapangyarihan sa buhay at kamatayan para sa iba. Maraming may sakit na AIDS ang responsableng kumikilos, ipinagkakait sa kanilang sarili ang anumang gawa na maaaring makahawa sa iba. Subalit ang mapanganib na ilan ay iba ang pasiya.

Isang saykayatris sa Washington, D.C., ay sumulat tungkol sa isang nakatatakot na halimbawa​—isa sa kaniya mismong mga pasyente: “Isang lubhang maligalig na ‘silahis’ na biktima ng AIDS ay, ikinatatakot ko, sadyang sinisikap na hawaan ang ibang tao ng kaniyang sakit. Alam niya na makamamatay ito sa kanila.” Sinabi ng lalaki sa kaniya: “Sa umpisa nang malaman ko na mayroon akong AIDS ay naipasiya kong hindi makipagtalik kaninuman, at pagkatapos basta ako nagalit at sinabi ko: Daigin natin ang daigdig.” Ano ang ibig niyang sabihin?

Ganito ang sabi ng saykayatris: “Sinabi niya sa akin na kung minsan kapag siya ay nagagalit sa isang tao, isang panloob na tinig ang nagsasabi sa kaniya, ‘Kunin natin ang lalaking ito’ at sisikapin niyang makipagtalik sa lalaki. Sinabi rin niya na siya ay nakikisama sa isang lalaking ‘silahis’ na handalapak sa mga babae.” Sinikap ng saykayatris na hikayatin ang mga opisyal na ikulong ang mapanganib na lalaking ito subalit wala ring nangyari. “Nang huling makita ko ang lalaki,” sulat ng saykayatris, “ang kaniyang ugali ay wala pa ring ipinagbago, at tiyak na walang anumang pagkakaiba ngayon.”

Isang pambihirang kaso? Nakalulungkot sabihin, hindi. Isang lalaki ay binansagang Pasyente Sero ng Centers for Disease Control dahil sa kaniyang mahalagang bahagi sa maagang pagkalat ng AIDS sa Estados Unidos. Kahit na pagkatapos niyang malaman na isinasapanganib niya ang mga buhay ng iba, siya ay nagpatuloy sa homoseksuwal na pakikipagtalik sa 250 mga kapareha sa isang taon. Inirereklamo ng mga babae ang mga asawang inililihim ang kanilang pagkasilahis. Ang mga gumagamit ng droga ay patuloy na ipinagagamit ang kanilang gamít na at maruming mga iniksiyon at sa gayo’y naging ang pinakamalaking grupo ng bagong mga biktima ng AIDS sa ilang mga bansa.

Nakababalisa na gaya ng lahat ng ito, hindi ito nakapagtataka sa mga estudyante ng Bibliya. Inihula ng sinaunang aklat na iyon na ang mga tao sa magulong salinlahing ito ay magiging “maibigin sa kanilang sarili . . . walang katutubong pag-ibig.” (2 Timoteo 3:1-5) Dumating na ang panahong iyon. Yaong nagwawalang-bahala sa mga batas ng Diyos tungkol sa moralidad ay laging nilalabag ang Autor ng mga batas na iyon, ang ating Maylikha. Iyan ang pinakamasamang panganib na maaaring kunin ng isa. Subalit ngayon ang pagsuway ring iyon ay kadalasang nagdudulot ng karagdagang panganib: ang pagkakatiwala ng buhay mismo ng isa sa mga tao na walang pinahahalagahan kundi ang kanilang sariling kasiyahan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share