Pahina Dos
“Nagpapalabuy-laboy sila na parang mga grupong Hitano-a, natutulog sa mga tubo sa konstruksiyon, sa mga bodegang pinamamahayan ng mga daga sa pinabayaang mga gusali o sa hamak na mga tambakan sa kanto ng mga kalye. Ang kanilang mga higaan ay mga punit-punit na mga diyaryo, ang kanilang pananamit ay mga retaso ng tela. Ang kanilang mga araw ay ginugugol sa pagpapalabuy-laboy, prostitusyon at maliliit na mga krimen. Binibiktima nila ang isa’t isa maging ang mga nagsisidaan.” Sino sila? Mga batang kalye na nakatira sa isang malaking Latin-Amerikanong lunsod, ulat ng magasing Time. Subalit maaaring sila ang kabataang walang-tahanan ng halos alinmang pangunahing lunsod sa daigdig. Mayroong milyun-milyon sa kanila, at ang bilang nila ay iniulat na sumusulong nang mabilis.