Pahina Dos
Sa loob ng mga dantaon ang Espanya at ang Katolisismo ay waring hindi mapaghiwalay na gaya ng Madonna at anak. Ang matagumpay na pagdalaw ng papa sa Espanya noong 1982, kung saan angaw-angaw ang nagbunyi kay John Paul II ng mga salitang Totus tuus (Iyong-iyo), ay tila nagpapatunay sa debosyon ng bansa sa kaniyang tradisyonal na pananampalataya.
Subalit pagkatapos humupa ang kagalakan, nanatili ang nakayayamot na mga pagkakasalungatan—ang ilan ay nag-uugat sa kasaysayan, ang iba naman ay produkto ng ating panahon. Susuriin ng sumusunod na mga artikulo ang ilan sa mga pagkakasalungatang ito pati na ang mga sanhi nito at ang mga kaugnayan nito sa dating makapangyarihang iglesya sa Espanya.
[Picture Credit Line sa pahina 2]
Agencia EFE