Pahina Dos
Noong Hunyo 1988 ang Iglesya Katolika Romana ay dumanas ng unang pagkabahagi nito, o pagkakabaha-bahagi, sa loob ng mahigit na isang dantaon. Ang tradisyunalistang arsobispong si Lefebvre ay iniskomulga. Isang taon pagkaraan ng pagkakasirâ, ang rebeldeng prelado ay nag-aangkin ng 10- hanggang 20-porsiyentong pagsulong sa bilang ng kaniyang mga tagasunod.
Samantala, daan-daang teologong Katoliko ang pumirma ng isang deklarasyon na tumututol sa inaakala nilang pag-abuso ng papa sa kapangyarihan sa paghirang ng bagong mga obispo at sa mga bagay na may kaugnayan sa doktrina, gaya ng birth control.
Sa pulitikal na paraan, ang mga Katoliko ay lubhang nababaha-bahagi, ang iba ay masyadong konserbatibo, ang iba naman ay nagtataguyod ng mga repormang panlipunan at sinasandatahan pa man din ang rebolusyon. Ang karaniwang Katoliko ay maaaring naguguluhan sa mga pagkakabaha-bahaging ito.