Pahina Dos
ANG paggamit ng mga hayop sa pananaliksik sa medisina ay nagbabangon ng mga usapin sa etika at asal na pumupukaw sa mga damdamin ng tao sa iba’t ibang paraan. Ang mga siyentipiko ay nangangatuwiran na maraming pag-unlad sa medisina ang imposible sana kung walang pag-eeksperimento sa mga hayop. Sabi ng isa: “Kung hindi kami nakapag-eksperimento sa mga hayop, matagal na tayong patay.”
ANG mga aktibista sa hayop ay nananangis sa pag-abuso sa mga karapatan ng hayop at sa paghihirap at paghamak sa angaw-angaw na mga hayop na ginagamit sa pag-eeksperimento. Ikinakatuwiran nila na mayroon nang angkop na mga maihahalili sa mga hayop, gaya ng mga modelo sa computer at ang tissue cultures, na dapat gamitin ng mga siyentipiko.
MAY mga argumento na pabor at laban ang magkabilang panig. Sinuri namin ang mga usapin sa aming panimulang serye, isinasaalang-alang muna ang siyentipikong pangmalas tungkol sa pag-eeksperimento sa hayop.
[Picture Credit Line sa pahina 5]
Larawan sa pabalat: Sa kagandahang-loob ng The Pedigree Mutt Pet Shop