Pahina Dos
Ang krisis sa basura gaya ng pagkakita rito ng mga lider ng daigdig, ng mga tagapagtaguyod ng kapaligiran, at nababahalang mga mamamayan ay isang lumalagong problema na dapat lutasin. Ito’y tinawag na “ang krisis ng 90’s.” Ang mga magasin ay naglalaan ng mga hanay ng espasyo upang magbabala tungkol sa pangglobong suliraning ito. “Inilibing na Buháy,” ang paulong-balita sa pabalat na pahina ng magasing Newsweek. “Ang Tambak ng Basura: Isang Krisis sa Kapaligiran na Umaabot sa Ating Pinto,” sabi ng magasin. “Toni-toneladang basura at gayunma’y walang mapaglagyan nito” ang titulo ng isang artikulo tungkol sa basura sa U.S.News & World Report. “Basura, Basura, Saanman. Ang mga lupang tambakan ng basura ay umaapaw, subalit kakaunti ang mapagpipilian,” balita ng magasing Time sa malalaking tipo. “Ang Basura ng Kanluran—Isang Bumibigat na Pasanin para sa Third World,” paulong-balita ng magasing International Herald Tribune.