Pahina Dos
Ang ating lupa ang tahanan ng buong sambahayan ng tao. Lahat ng tao ay sama-samang nakatira rito at pinagsasaluhan ang katulad na mahahalagang pangangailangan at pagnanais.
Gayunman, ang pagkakaisa ng lahi ay hindi kalakaran sa globong ito. Sa kabaligtaran, kadalasang ang pagkakaiba ng mga tao ang siyang namamahala sa mga ugnayan ng tao. Sa loob ng mga dantaon ang alitan ay nag-alab sa mga bagay na may kaugnayan sa lahi. Sa labas na ito ng Gumising!, itutuon namin ang pansin sa kung ano ngayon ang nalalaman tungkol sa lahi at kung bakit makaaasa tayo na magwawakas ang lahat ng alitan tungkol sa lahi.