Naisip Mo Na Ba?
◼ Ano ba ang pangmalas ng Diyos sa diborsiyo?
◼ Sinasang-ayunan ba ng Bibliya ang pakikiapid o homoseksuwalidad?
◼ Bakit pinapayagan ng Diyos ang paghihirap?
◼ Nilayon ba niyang maging ganito ang daigdig?
◼ Ano ang inilalaan ng kinabukasan?
Isa sa mga Saksi ni Jehova ay malulugod na dumalaw sa inyo at tulungan kayong masumpungan ang mga sagot ng Bibliya sa mga tanong na iyon. Ang mga Saksi ni Jehova ay nagbibigay ng libreng personal at panggrupong pagtuturo sa Bibliya.
Kaya kung nais ninyong isang kuwalipikadong tao ang dumalaw sa inyo sa inyong tahanan, o sa ibang kombinyenteng dako, magagalak kaming isaayos ito. Kayo’y tutulungang masumpungan hindi lamang ang mga sagot sa inyong mga tanong sa Bibliya kundi ang mga sagot sa mga problema ngayon na maaaring lutasin sa pamamagitan ng pagkakapit ng mga simulain ng Bibliya. Upang makuha ang paglilingkod na ito, basta punan ang impormasyong hinihiling at ihulog ito sa direksiyon na nasa kalakip na kupon.
Nais kong malaman ang higit tungkol sa Bibliya. Pakisuyong isaayos na may dumalaw sa akin.