Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g91 2/22 p. 32
  • ‘Upang Pawiin ang Kaniyang Kalumbayan’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Upang Pawiin ang Kaniyang Kalumbayan’
  • Gumising!—1991
Gumising!—1991
g91 2/22 p. 32

‘Upang Pawiin ang Kaniyang Kalumbayan’

Isang lalaking nasa isang atas na trabaho sa Sultanate of Oman ay sumulat sa sangay ng Samahang Watch Tower sa India. “Mga ilang araw ang nakalipas,” sabi niya, “nakita ko ang aklat na Kaligayahan​—Papaano Masusumpungan sa bahay ng isa sa aking mga kaibigan dito. Hindi na kailangan pang sabihin, ang aklat sa kabuuan ay isang tunay na kayamanan. Prangkahang masasabi ko, ang maliit na aklat na ito ay nakaimpluwensiya sa akin nang husto, at nais kong ibigay ang napakamaibiging aklat na ito sa aking asawa bilang regalo sa anibersaryo upang pawiin ang kaniyang kalumbayan. Pakisuyong tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang kopya ng aklat ng ito sa aking asawa karaka-raka. Ang kaniyang direksiyon ay nasa itaas.”

Ang 192-pahinang aklat na ito ay hindi lamang naglalaan ng nakapagpapatibay-loob na tulong kung papaano pakikitunguhan ang maigting na mga kalagayan kundi itinuturo rin nito ang daan tungo sa nagtatagal na mga lunas sa mga suliranin sa buhay. Kung nais mong tumanggap ng isang kopya, pakisuyong punan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon.

Nais kong tumanggap ng pinabalatang aklat na Kaligayahan​—Papaano Masusumpungan. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 5.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share