Kaaliwan sa Panahon ng Pangangailangan
Ang sumusunod na liham ay tinanggap mula sa isang tao sa Baltimore, Maryland, E. U. A.:
“Pakisuyong padalhan ako ng may larawang 192-pahinang pinabalatang aklat na ‘Ganito na Lamang ba ang Buhay?’ Nais kong magkaroon ng dalawang kopya nito, yamang nais kong ibigay ang isa sa isang kaibigan. Nakita ko ang alok sa isang maliit na pulyetong pinamagatang ‘Anong Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal?’ na tinanggap ko sa aking bahay. Kamamatay pa lamang ng isa na mahal na mahal ko sa loob ng 35 taon, at nasumpungan ko ang mga salita sa pulyeto na lubhang kawili-wili at nakaaaliw anupa’t ayaw kung sirain ito sa paggupit ng anunsiyo kung saan isusulat ang pangalan at direksiyon. Maraming salamat sa lahat ng inyong mga pagsisikap. Mula ngayon sisikapin kong basahin ang lahat ng literaturang inyong inililimbag.”
Nakaliligaya, may pag-asa para sa namatay na mga minamahal. Tumanggap ng nakapagpapasigla sa pusong katibayan sa aklat na Ganito na Lamang ba ang Buhay?, gayundin sa pulyetong Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? Pakisuyong punan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon.
Nais kong tumanggap ng pinabalatang 192-pahinang aklat na Ganito na Lamang ba ang Buhay? at ng pulyetong Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 5.)