Nang Mamatay ang Lolo Niya
Isang ina buhat sa Virginia Beach, E.U.A., ang sumulat: “Noong nakaraang buwan ang tatay ko ay namatay. Siya at ang bunso kong anak na lalaki ay malapit sa isa’t isa, sa kabila ng distansiya na naghihiwalay sa kanila. Nang ipaalam sa kaniya na ang kaniyang lolo ay namatay, siya’y umiyak sa kalungkutan.
“Agad kong hinanap ang pulyetong Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? Nang masumpungan ko ito, samantalang ang kaniyang mukha ay basa pa dahil sa luha, binasa ko ito sa kaniya. Nang ako’y matapos, mas mahinahon na siya. Salamat sa mahalagang impormasyong iyon, na napakapraktikal sa gayong masakit na panahon.”
Maaari kang tumanggap ng nakaaaliw na pulyetong ito, kasama ng iba pa, sa pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kalakip na kupon.
Nais kong tumanggap ng pulyetong Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? kasama ang iba pang pulyeto. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 5.)