Valentine Day—Saan Ito Nanggaling?
IKAW ba’y nagpadala o tumanggap ng isang kard o regalong pang-Valentine? Sa maraming bansa kaugalian nang magpadala nito kung Pebrero 14, Valentine Day. Ito ay ipinalalagay na araw na ipinagdiriwang ng mga magsing-irog. Subalit paano nagsimula ang kaugaliang ito?
Ang Brewer’s Dictionary of Phrase and Fable ay nagsasabi: “Valentine, St. Isang pari ng Roma na nabilanggo dahil sa pagtulong sa pinag-uusig na mga Kristiyano. Siya’y naging kumberte at, . . . siya’y ginarote hanggang kamatayan. Ang kaniyang kaarawan ay 14 ng Pebrero . . .
“Ang sinaunang kaugalian ng pagpili ng Valentines ay may di-sinasadyang kaugnayan lamang sa [ang] santo, palibhasa’y relikya ng matandang Lupercalia ng Roma . . . o sa kaugnayan nito sa panahon ng pagpapares ng mga ibon. Ito’y tinatandaan ng pagbibigay ng regalo at ngayon ay ang pagpapadala ng isang kard kung saan nakalarawan ang mga kupido, tinuhog na mga puso, atb.”
At ano naman ang kaugnayan ni Kupido sa Valentine Day? Ang aklat ding iyon ay nagsasabi: “Kupido (Lat[in] cupido, pagnanasa, pag-ibig). Ang Romanong diyos ng pag-ibig, katumbas ng Griegong si Eros. Siya ay karaniwang inilalarawan bilang isang guwapong batang lalaki na may pakpak, nakapiring ang mata, at nagdadala ng isang pana at mga palasô.”
Ang The World Book Encyclopedia ay nagbibigay ng higit pang impormasyon, nagbibigay ng iba’t ibang teoriya tungkol sa pinagmulan ng mga gawain kung Valentine Day. “Sang-ayon sa isang kuwento, pinagbawalan ng Romanong Imperador Cladio II noong A.D. 200’s ang mga binata na mag-asawa. Inaakala ng imperador na ang mga binata ay mas mabuting mga sundalo. Isang paring nagngangalang Valentine ang sumuway sa utos ng imperador at lihim na ikinasal ang mga magkasintahan. . . . Maraming kuwento ang nagsasabing si Valentine ay binitay noong Pebrero 14 bandang A.D. 269. Noong A.D. 496, pinanganlan ni Santo Papa Gelasius I ang Pebrero 14 bilang St. Valentine’s Day.”
Anuman ang tunay na pinagmulan ng gawaing ito, maliwanag na ito ay nag-ugat sa sinaunang paganong mga paniwala at sa talaan ng tinatawag na “mga santo” ng Sangkakristiyanuhan. Ang Valentine Day ay isa ring dahilan para sa komersiyal na pagsasamantala sa kadalasa’y walang kabatirang publiko.—2 Corinto 6:14-18.
Kung, pagkatapos basahin ang magasing ito, ikaw ay may anumang katanungan sa Bibliya, malayang makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa isang Kingdom Hall sa inyong dako, o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito. (Tingnan ang pahina 5.)
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Dover Publications, Inc.