Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g92 3/22 p. 32
  • Isang Pantanging Okasyon—Dadalo Ka Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Pantanging Okasyon—Dadalo Ka Ba?
  • Gumising!—1992
Gumising!—1992
g92 3/22 p. 32

Isang Pantanging Okasyon​—Dadalo Ka Ba?

BILANG aping mga alipin sa Ehipto mahigit na 3,500 taon ang nakalipas, ang mga Israelita ay lubhang nangangailangan ng pagliligtas. Subalit ayaw payagan ni Faraon na umalis ang kaniyang mga alipin. Kaya’t inutusan ng Diyos na Jehova ang mga Israelita na pumatay ng isang kordero at iwisik ang dugo nito sa mga haligi at itaas ng pinto ng kanilang mga bahay. Nang gabing iyon nilampasan ng Kaniyang anghel ang mga bahay na may dugo sa mga haligi ng pinto subalit pinaslang ang mga panganay na lalaki sa mga bahay ng lahat ng mga Ehipsiyo. Kaya pinayagan ni Faraon ang mga Israelita na umalis. Mula noon, sa anibersaryong petsa nang lampasan ng anghel ang mga tahanan ng Israelita, ipinagdiwang ng mga Judio ang pangyayaring ito.

Nang maglaon, si Jesu-Kristo ay lumitaw sa makalupang tanawin. Isang araw si Juan Bautista, na nagbautismo kay Jesus, ay tinukoy siya at sinabi: “Narito, ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!” (Juan 1:29) Kung paanong ang dugo ng kordero noong Paskua ay nangahulugan ng pagliligtas para sa mga panganay na Israelita, gayundin naman ang itinigis na dugo ni Kristo ay maaaring magligtas buhat sa kasalanan at kamatayan.

Sinimulan ni Jesus ang isang hapunan na magpapaalaala sa kaniyang mapagsakripisyong kamatayan. Iniabot niya sa kaniyang tapat na mga apostol ang tinapay at sinabi: “Kunin ninyo, kanin ninyo. Ito’y nangangahulugan ng aking katawan.” Pagkatapos ay ibinigay niya sa kanila ang isang saro ng alak at ang sabi: “Magsiinom kayo rito, kayong lahat; sapagkat ito’y nangangahulugan ng aking ‘dugo ng tipan,’ na ibubuhos alang-alang sa marami para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.” Gayundin, sinabi ni Jesus: “Patuloy na gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.” (Mateo 26:26-28; Lucas 22:19, 20) Kaya ibig ni Jesus na ito’y maging isang taunang pag-alaala sa kaniyang kamatayan.

Kayo’y malugod na inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova na makisama sa kanila sa pagsasagawa ng selebrasyong ito ng Memoryal. Maaari kayong dumalo sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa inyong tahanan. Alamin sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong oras at lugar. Ang petsa ng selebrasyon sa 1992 ay Biyernes, Abril 17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share