Nagustuhan Iyon ng mga Guro
ISANG 17-taóng-gulang na estudyante sa Netherlands ang sumulat: “Ang aking kaibigan sa eskuwela ay may napakaraming katanungan tungkol sa pagkakaiba ng mga relihiyon. Sinamantala ko ang pagkakataon na ibigay sa kaniya ang aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. Nang ang aming klase ay maatasang sumulat ng isang sanaysay sa isang paksang aming napili, pinili ng aking kaibigan ang paksa tungkol sa relihiyon upang magamit niya ang kaniyang bagong kakukuhang aklat.
“Yamang dapat naming ipakita ang aming pinagkunan ng impormasyon, ang aklat ay napasakamay ng aming guro. Pagkatapos siya ay nagtanong kung saan galing ang ‘kawili-wiling aklat na iyon.’ Sinabi ng aking kaibigan na ang aklat ay galing sa akin.
“Kaagad akong sinabihan ng aking guro na bigyan siya ng apat na kopya para sa kaniya at sa kaniyang mga kaibigan. Kinabukasan ay ibinigay ko ang aklat sa kaniya, at agad niyang ipinakita ang mga iyon sa ibang guro. Pagkatapos ng ilang sandali, kaniyang sinabi sa akin: “Ako’y may pahintulot ng pangasiwaan ng paaralan na kumuha ng 35 ng ganitong mga aklat.’”
Marami sa ngayon ang nakababatid sa kahalagahan ng pagsusuri ng relihiyon. Karamihan sa mga tao ay alam lamang ang relihiyon ng kanilang mga magulang at kadalasan namang napakababaw lamang. Subalit dapat ba na ang iyong relihiyon ay isa na iyong kinagisnan lamang? Sa paghahambing ng iyong relihiyon sa iba, ikaw ay mas masasangkapan na gumawa ng isang matalinong pagpili.
Kung nais mong magkaroon ng higit pang impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa tamang direksiyon na nakatala sa pahina 5.