Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g92 9/22 p. 32
  • ‘Isang Regalong Walang Kaparis’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Isang Regalong Walang Kaparis’
  • Gumising!—1992
Gumising!—1992
g92 9/22 p. 32

‘Isang Regalong Walang Kaparis’

IYAN, sa katunayan, ang sinabi ng isang babae mula sa São Paulo, Brazil, tungkol sa regalong publikasyon na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Ipinadala ng kaniyang tiya ang aklat para sa limang-taóng-gulang na anak na babae ng pamangkin. Ang pamangkin ay sumulat bilang pagpapahalaga:

“Gabi-gabi ay nagbabasa ako sa kaniya nang kaunti, at gustung-gusto niya ito. Talagang interesado siya rito, nagtatanong, nagkokomento tungkol dito, at inihahambing pa nga ito sa kaniyang pang-araw-araw na buhay, na ginagamit ang mga turo ng aklat bilang halimbawa. Kahit hindi ko ipaalaala sa kaniya, kinukuha niya ang aklat, sabik na sabik tungkol sa susunod na kuwento.

“Gayunman, nais kong sabihin na ang regalo ay hindi lamang para kay Natalia; ang pagbahagi ng mga turo ng Diyos sa aking anak ay napakabuti rin para sa akin. Ito’y nagdulot sa akin ng higit na kagalakan at pagpapahalaga sa pagiging isang ina.

“Maraming klaseng regalo na maaari nating ibigay o tanggapin, ang ilan ay sinusukat sa pamamagitan ng kanilang halaga sa salapi, ang iba naman sa kanilang laki. Subalit ang aklat na ito na tinanggap namin ay hindi maihahambing sa alinmang gayong regalo. Ang halaga nito ay maaari lamang sukatin sa pamamagitan ng pag-ibig sa pagkakabigay nito at ng kagalakan na dulot nito sa mga puso niyaong tumanggap nito.”

Ang mga Saksi ni Jehova ay isang internasyonal na organisasyon ng mahigit na apat na milyong estudyante ng Bibliya na nakatalagang tumulong sa mga tao na makaalam nang higit pa tungkol sa mga layunin ng Diyos. Kung nais mong magkaroon ng higit na impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share