Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g92 10/8 p. 32
  • Sagot sa Isang Panalangin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa Isang Panalangin
  • Gumising!—1992
Gumising!—1992
g92 10/8 p. 32

Sagot sa Isang Panalangin

ISANG babae mula sa Christchurch, New Zealand, ang nagsasabing ang mga artikulo ng Gumising! tungkol sa “Pagpapagaling sa mga Sugat ng Damdamin na Likha ng Pag-abuso sa Bata” ay isang sagot sa kaniyang panalangin. Sabi niya:

‘Noong Agosto 1991 isang pangkat sa amin ang nagkaroon ng nakakikilabot na karanasan na masaksihan ang isang kaibigan na dumanas ng kirot ng pag-alaala sa pag-abuso. Nagkaroon ako ng damdamin ng kalungkutan at panlulumo sa loob ng tatlong araw, subalit kami ay taimtim na nanalangin kay Jehova para sa isang magasin na tatalakay sa paksang ito. Nais namin ng tulong. Naghintay lamang kami ng limang linggo. Sa kapakanan ng maraming, maraming biktima, salamat sa mahusay, sensitibong mga artikulo ng Oktubre 8, 1991, na Gumising!’

Ang nabanggit ay isa lamang sa daan-daang liham ng pagpapahalaga para sa Gumising! tungkol sa pag-abuso sa bata. Sa isa pang liham na tinanggap maaga sa taóng ito, ang manunulat ay nagsabi na ilang beses niyang sinubok na tapusing basahin ang mga artikulo sapagkat hindi niya mapigil ang pag-iyak. Sabi niya:

“Kahit na ngayon, nag-uumapaw ang damdamin ko na ipahayag ang aking pagpapahalaga sa panahon at lakas na ginugol sa pagtulong sa amin na nakadarama ng gayong kahihiyan at pagkakasala pagkatapos na seksuwal at emosyonal na mahalay ng isa na nagsasabing ‘mahal’ niya kami nang kami’y musmos pa at mahina. Wala akong kamalay-malay na napakarami pala na nakaranas na gaya ko. Nahihirapan pa rin ako sa pakikitungo sa nadarama ko, ngunit ang mga mungkahi sa pahina 10 at 11 ay malaking tulong. Marami pa akong gustong sabihin, subalit sapat nang sabihin na ako’y nananalangin kay Jehova alang-alang sa inyo sa pag-asa kay Jehova na bigyan kayo ng lakas ng loob na sumulat tungkol sa gayong sensitibong paksa.”

Isa pa ang nagsabi: “Ito ang isa sa pinakamainam na obramaestra na kailanma’y nailathala ninyo tungkol sa mga kaugnayang pantao. Inilantad nito ang satanikong gawaing ito at ang mga maygawa nito, nilinaw ninyo sa mga hindi biktima ang malupit na pangwasak nito; ang mga biktima nito ay naaliw at naturuan. Ang pintuan sa pag-asam ng awa at alalay mula sa bayan ng Diyos ay lubhang nabuksan.”

Ang mga Saksi ni Jehova ay isang internasyonal na organisasyon ng mahigit na apat na milyong estudyante ng Bibliya na nakatalagang tulungan ang mga tao sa kanilang mga problema at tulungan silang matuto nang higit tungkol sa mga layunin ng Diyos. Kung nais mong magkaroon ng higit na impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share