Mahiwagang mga Liwanag—Mula Saan?
ANG mga liwanag sa gawing hilaga at timog, o mga aurora, ay pinagtatakhan ng mga taong nakatira malapit sa heomagnetikong mga polo sa hilaga at timog. Pinaniniwalaan ngayon na sa loob ng lupa, mga haligi ng lusaw na metal ang tumataas at bumababa at napipilipit habang umiinog ang lupa. Ito ay nagpapangyari ng elektrikal na mga kuryente na lumilikha ng mga magnetic field na humigit-kumulang ay kahanay ng axis ng umiikot na lupa. Ang katiting na mga radyasyon na nakararating sa lupa mula sa araw ay nagpapangyari ng nakikitang epekto dahil sa magnetic fields na ito. Subalit ang epekto ay napagaganda kapag maraming katiting na radyasyon ang dumarating mula sa pagkalaki-laking siklab ng araw na nauugnay sa mga sunspot. Maraming katiting na radyasyon ang nasisilo sa magnetic field ng lupa. Ang mga atomo sa ating atmospera sa mga sonang nakapaligid sa magnetikong mga polo na ito ay nabibigyan ng lakas at gumagawa ng nakikitang liwanag sa iba’t ibang kulay. Nagkakaroon ng mga kulay kapag ang mga atomo ng oksiheno at nitroheno ay nabigyan ng lakas ng enerhiyang ito buhat sa araw at lumilikha ng nakikitang liwanag sa mga wavelength ng pula/berde/violet. Karamihan ng mga aurora ay kulay berde, na may ilang bahagi na pula at violet. Sa hilagang mga bahagi ng lupa, ang mga liwanag na ito ay tinatawag na aurora borealis (Latin, madaling-araw sa hilaga), samantalang sa gawing timog, ito ay tinatawag na aurora australis (madaling-araw sa timog).
“Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos,” sabi ng sinaunang salmista. (Awit 19:1) Kung nais mong matuto nang higit tungkol sa Maylikha ng kalangitan, pakisuyong makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar, o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito.—Tingnan ang pahina 5.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Larawan ng NASA