Tinutulungan Nito ang mga Kabataan
NOONG nakaraang taon isang ina mula sa Dearborn, Michigan, E.U.A., ang dumalaw sa isang doktor kasama ng kaniyang anak na si Max, na pinatitingnan dahil sa kawalang-kaya sa pagkatuto. “Yamang ang doktor ay nag-eespesyalista sa pagpapayo sa mga kabataan,” sabi ng ina, “inaakala ko na mahalaga para sa kaniya na magkaroon ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. Tinanggap niya ito taglay ang malaking interes.”
Samantalang ang nanay ni Max ay maghihintay sa kaniya upang tapusin ang mga sesyon sa doktor, nakilala ng ina si Tim, isang 12-anyos na naghihintay upang magpatingin sa doktor ding iyon. Nakaibigan ng ina si Tim at binigyan din niya ito ng isang kopya ng aklat na Tanong ng mga Kabataan. Inilalarawan niya kung ano ang nangyari:
“Humigit-kumulang isang buwan ang lumipas bago ko nakitang muli si Tim. Nakita ko siyang lumalabas mula sa tanggapan ng doktor. Nang makita niya ako, itinaas niya ang kaniyang aklat na Tanong ng mga Kabataan upang makita ko, ngumingiti habang ginagawa niya ito. Ang kaniyang lola ang nagsalita, sinasabi kung gaano kahanga-hanga ang aklat at kung paano ito nakatulong kay Tim. Pagkatapos, nang maupo ako na kasama ng doktor sa kaniyang tanggapan, sinabi niya sa akin na magkasama nilang pinag-aaralan ni Tim ang aklat at na inaatasan niya si Tim ng mga kabanata na ihahanda at tatalakayin.”
Ang doktor na ito, pati na si Tim at ang kaniyang lola, ay kabilang sa angaw-angaw na kumikilala sa halaga ng mainam na publikasyong ito na inihanda ng mga Saksi ni Jehova upang tulungan ang mga kabataan na harapin ang mga hamon sa ngayon at tulungan silang makayanan ang mga problema ngayon.
Kung nais mong magkaroon ng higit na impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watchtower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.