Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g92 12/22 p. 32
  • “Ginagawa Ka Nitong Malapít kay Kristo”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ginagawa Ka Nitong Malapít kay Kristo”
  • Gumising!—1992
Gumising!—1992
g92 12/22 p. 32

“Ginagawa Ka Nitong Malapít kay Kristo”

GANIYAN ang sabi ng marami tungkol sa isang aklat na inilathala kamakailan ng mga Saksi ni Jehova, Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Isang babae mula sa Pransiya ay nagsabi: “Bagaman sa tuwina’y labis kong pinahahalagahan ang mga publikasyon ng Samahang Watch Tower, kailanman ay wala pang aklat na nagkaroon ng gayong epekto sa akin.” Sa isang liham sa tanggapang sangay ng Samahan sa Pransiya, sabi niya:

“Ang kumpletong talambuhay na ito ni Kristo ay nagpangyari sa akin na mahalin nang higit ang kaniyang kaakit-akit na personalidad. Natuklasan ko rin ang mahahalagang aspekto ng kaniyang buhay, bagaman nabasa ko na ang mga ulat ng Ebanghelyo ng ilang ulit. Sa mga pahina ng aklat, ating nararanasan ang matitinding sandali sa buhay ni Kristo, nasusumpungang siya’y mahabagin at magiliw, ngunit lalaking-lalaki rin naman at matatag.

“Ang huling mga kabanata ay lalo nang makabagbag-damdamin. Umabot pa nga sa puntong hindi ko mapigil ang aking mga luha samantalang isinasaalang-alang na ang pinakamahalagang nilalang sa buong sansinukob ay handang magdusa sa mga kamay ng napakasamang mga ahente ng Diyablo. Anong bisang halimbawa! Masasabi ko na ngayon ako’y nakadarama na mas malapít sa ating ‘Walang-hanggang Ama,’ oo, sa ating nagpupunong Hari.”​—Isaias 9:6.

Ang mga Saksi ni Jehova ay isang internasyonal na organisasyon ng mahigit na apat na milyong estudyante ng Bibliya, na lahat ay kumbinsido na si Jesu-Kristo ay hindi lamang ang pinakadakilang tao na nabuhay kailanman kundi siya rin ang tanging paraan na ang mga tao ay maaaring tumanggap ng buhay na walang-hanggan.​—Gawa 4:12.

Kung nais mong magkaroon ng higit na impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share