“Mukhang Ito ang Aklat na Nanaisin Kong Basahin”
Si Jessica, isang 16-anyos na estudyante sa isang mataas na paaralan sa New York City, ay sumulat sa Gumising!: “Mayroon akong guro sa kasaysayan na inaayawan ng lahat. Inatasan niya ang klase ng pangkatang mga proyekto tungkol sa ‘Malalaking Relihiyon.’ Nakuha ng aming pangkat ang Islam. Hindi ako nag-aalala sapagkat alam ko na ako’y masasangkapan ng husto ng aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. Inihanda ko ang pinakamahusay na report na magagawa ko.
“Dumating ang araw na ang pangkat namin ay mag-uulat. Ang guro ay sumasabad at sumisigaw sa mga estudyante, kaya medyo ninerbiyos ako. Nang dumating na ang turno ko, sinabi ko sa klase ang tungkol sa natatanging mga tampok ng Islam. Ipinasa ko ang aklat na Paghahanap, itinatagubilin sa mga estudyante na tingnan ang mga larawan sa pahina 286 at 289. Nang buklatin ng guro ang aklat, siya ay sumabad at nagsabi, ‘Mawalang-galang na, libro mo ba ito? Maaari bang itabi ko ito?’ Ako’y sumagot, ‘Maaari ko po kayong ikuha ng isang sipi kung gusto ninyo.’ Sumaya ang mukha niya, at sabi niya: ‘Mahusay. Mukhang ito ang aklat na nanaisin kong basahin.’ Ang aking puso ay tumitibok nang husto dahil sa tuwa at pagtataka, pauntul-untol kong tinapos ang aking ulat.
“Binigyan niya ako ng isa sa pinakamataas na marka sa klase (95) tungkol sa ulat na iyon. Ako’y nagpapasalamat sa Diyos na Jehova at sa inyo mga kapatid sa pagbibigay sa amin ng gayong kapaki-pakinabang na kagamitan na gaya ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos.”
Kung nais mo ng higit na impormasyon tungkol sa anumang paksa na nabanggit sa magasing ito o nais mo ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watchtower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa pinakamalapit na direksiyon na nakatala sa pahina 5.
[Larawan sa pahina 32]
ANG PAGHAHANAP NG TAO SA DIYOS