Isang Araw na Dapat Alalahanin
Noong gabi bago siya namatay, ibinahagi ni Jesus ang isang tinapay na walang lebadura at isang kopa ng alak sa kaniyang mga apostol at nagsabi: “Patuloy na gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.”—Lucas 22:19.
Sa taóng ito ang anibersaryo ng utos niya ay pumapatak sa Martes, Abril 6, paglubog ng araw.
Bunga nito, ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay magtitipon sa pantanging gabi na ito upang ulitin ang Memoryal na ito sa paraan na ipinag-utos ni Jesus. Kayo ay malugod na inaanyayahang makisama sa kanila. Pakisuyong makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa eksaktong oras at dako ng pulong.