“Inalis ng mga Nazi ang ‘Jehova’”
ANG mga salitang iyon ang ulong-balita sa unang pahina ng New York Herald Tribune ng Nobyembre 20, 1938. Ang artikulo ay nagsabi: “Ang mga iglesyang Protestante sa ilang bahagi ng bansa [Alemanya] ay inutusang alisin ang salitang ‘Jehova’—ang Alemang baybay ng Jehovah, halaw sa ‘Yahweh,’ ang Hebreo para sa Diyos—at gayundin ang Matandang Tipang mga pangalan ng mga propetang Judio.”
Lahat ng ito ay bahagi ng kampanya ng mga Nazi na pag-usigin ang mga Judio. Kasabay nito, walang alinlangang ito ay nilayon upang maging isang dagok laban sa mga Saksi ni Jehova, na ipinagbawal mula noong 1933 at ipinadala rin sa mga kampong piitan.
Noong 1933 may 19,268 aktibong mga Saksi sa Alemanya. Sa ngayon, pagkatapos ng lahat ng walang tigil na panliligalig ng mga Nazi at, hanggang kamakailan, ng mga Komunista sa Silangang Alemanya, may 163,000 Saksi na nakikisama sa 1,938 kongregasyon. At ang pangalan ni Jehova ay hindi naalis sa bokabularyong Aleman. Zeugen Jehovas, mga Saksi ni Jehova, ay kilala sa buong Alemanya.
Kung nais mo ng higit na impormasyon tungkol sa mga Saksi, pakisuyong magtungo sa Kingdom Hall sa inyong lugar, o sumulat sa direksiyon na pinakamalapit sa inyo, ginagamit ang listahan na nasa pahina 5.
[Larawan sa pahina 32]
Ang sangay na punong tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Selters/Taunus, Alemanya