Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g93 7/22 p. 32
  • Isang Monghe ang Nakaalam ng Katotohanan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Monghe ang Nakaalam ng Katotohanan
  • Gumising!—1993
Gumising!—1993
g93 7/22 p. 32

Isang Monghe ang Nakaalam ng Katotohanan

Sa Djibouti, Aprika, isang mongheng Katoliko na nagngangalang Louis Pernot ang nakakuha mula sa isa sa mga Saksi ni Jehova ng aklat na Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. Si Louis, na siyang punong-guro ng isang paaralang Katoliko, ay madalas nagtataka kung bakit ang kaniyang relihiyon ay walang inihaharap na maliwanag na impormasyon upang tulungan ang mga kabataan sa kanilang mga problema.

Nang gabing iyon sinimulang basahin ni Louis ang aklat na Kabataan. Sa katunayan, siya’y lubhang interesado rito anupat hindi niya maihinto ang pagbasa nito. Inaakala niyang ang tunay na relihiyon ay dapat na magbigay ng mahusay na patnubay sa mga tao nang hindi ikinokompromiso ang mga turo ng Bibliya, at ngayon ay nasumpungan niya ang aklat na iyon!

Kinabukasan sinabi ni Louis sa Saksi na nagbigay sa kaniya ng aklat na nasumpungan na niya ang katotohanan. Noong linggo ring iyon, siya’y nagbitiw hindi lamang bilang isang monghe kundi bilang isang Katoliko. Siya’y naging isa sa mga Saksi ni Jehova at nagsimulang ituro ang mga katotohanan ng Bibliya na natutuhan niya.

Ang mga Saksi ni Jehova ay isang internasyonal na organisasyon ng mahigit na apat na milyong estudyante ng Bibliya na nakatalagang tulungan ang mga tao na matuto nang higit tungkol sa mga layunin ng Diyos. Kung nais mong magkaroon ng higit na impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa isa sa mga Saksi ni Jehova, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share