Mahal ba Tayo ng Diyos?
Bakit niya pinapayagan ang paghihirap?
Matatapos pa kaya ito?
Nakatatawag-pansing mga tanong, di ba? Ito ay lumitaw sa pabalat ng isang brosyur na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. Nabasa mo na ba ito? Ito ay nakapagbigay na ng kaaliwan at pag-asa sa marami. Isang babae buhat sa Philadelphia, Pennsylvania, E.U.A., ang sumusulat tungkol sa brosyur na ito:
“Hindi ko akalain na posibleng pagsamahin ang mga salita nang napakaganda at sa isang paraan na makabagbag-damdamin. Para bang ako’y nasa isang madilim na silid at walang anu-ano ay may nagbukas ng ilaw; nabatid ko: ‘Ang Diyos ay talagang nagmamahal!’
“Ako’y isang tao na laging mahilig sa siyensiya. Kaya nga, ang mga pahayag, artikulo, o mga pelikula na may siyentipikong opinyon ay muling nagpasigla sa aking espiritu kailanma’t ako’y nasisiraan ng loob. Gayunman, hindi lamang ako muling napasigla ng brosyur na ito kundi naapektuhan rin ako nito sa isang magiliw, maibiging paraan.
“Ang unang bagay na nakatatawag ng iyong pansin ay ang pabalat. Ito’y mabisa sapagkat ang mga ito ay tunay na mga tao. Ang bawat mukha nila ay nagbabadya ng pagkabahala tungkol sa tanong na nasa matingkad na itim na limbag, ‘Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?’ Mababakas sa mukha ng mga taong ito ang nadarama ng lahat sa mga panahong ito.
“Ang materyal ay napakadaling maunawaan. Ito’y simple, diretso sa punto, at makatuwiran. Ito’y makatarungan. Napakaganda nito at napakadaling basahin anupat minsang simulan mong basahin ito, hindi mo maihihinto ang pagbasa nito.”
Kung nais mo ng higit pang impormasyon, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.
[Larawan sa pahina 32]
TALAGA BANG MINAMAHAL TAYO NG DIYOS?
Kung gayon, bakit niya pinapayagan ang paghihirap?
Matatapos pa kaya ito?