Kaaliwan Para sa Nanlulumo
Noong nakaraang taon inilathala ng mga Saksi ni Jehova ang isang maliit na anim-na-pahinang tract tungkol sa nabanggit na paksa. Tamang-tamang, inilalaan nito ang uri ng tulong na kailangan ng mga nanlulumo. Ipinakikita ng tract na ang Bibliya ang pinakamabuting pinagmumulan ng kaaliwan. Sinisipi nito ang maraming may-kaugnayang mga teksto sa Kasulatan tungkol sa paksang panlulumo, pati na yaong magagamit para tulungan ang mga taong nanlulumo.
Noong nakaraang taglagas ang tanggapang sangay ng mga Saksi ni Jehova sa Roma, Italya, ay tumanggap ng tawag sa telepono kung saan ang tumatawag ay nagsabi: “Nais ko kayong pasalamatan sa tract tungkol sa panlulumo. Katatanggap ko lamang nito, at ako’y naudyukang tumawag upang pasalamatan kayo. Wala pa akong nabasang anuman na lubhang nakapagpapatibay-loob sa anumang medikal na publikasyon. Nais ko kayong papurihan sapagkat kayo’y nagtagumpay sa pagsasabi ng napakarami sa kakaunting espasyo.
“Nang basahin ko ang tract, ako’y napaiyak. Nais kong himukin kayo na ipagpatuloy ninyo ang inyong gawain. Mahalaga ito; dapat ninyong gawin ito sa buong Italya at sa buong daigdig.”
Kung nais mong magkaroon ng isang kopya ng tract na ito, Kaaliwan Para sa Nanlulumo, o ng higit pang impormasyon, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.