Tulong Para sa mga Taong Nangangailangan
Tulong ang nais na ilaan ng maraming mabuting tao. Subalit anong uri ng tulong? At paano ito maibibigay? Isang mabuting tao ang sumulat sa tanggapang sangay ng mga Saksi ni Jehova sa Netherlands noong nakaraang Oktubre at nagpaliwanag kung gaano ang pagnanais niyang makatulong.
“Noong nakaraang Sabado,” aniya, “ako’y nabigyan ng maliit na tract na pinamagatang Buhay sa Isang Mapayapang Bagong Sanlibutan. Sa palagay ko ito’y isang mabuti at madaling unawaing tract na may mahusay na mensahe. Sa wari ko’y angkop ito para sa mga taong may mabibigat na suliranin, mga tao na talagang nangangailangan ng tulong, mga tao na magagalak na makabasa ng gayong tract.
“Sa malapit sa aking paaralan, ang Laurenskerkplein sa Rotterdam, ay palaging napakaraming palaboy, alkoholiko, at mga sugapa sa droga na walang mga ginagawa. Nais kong magkaroon ng maraming tract mula sa inyo, na maaari kong maibigay sa kanila. Hindi ko gagawin ito sa mapamilit na paraan. Ang aking idea ay magbigay sa kanila ng isang bagay na nagustuhan ko habang ako ay napapadaan.
“Inaasahan ko na inyo akong tutulungan sa bagay na ito. Hinahangad ko ang tagumpay sa inyong gawain!”
Ang mga Saksi ni Jehova ay masigasig sa pagtulong sa mga tao upang matuto nang higit tungkol sa mga layunin ng Diyos. Kung nais ninyong makatanggap ng kopya ng tract na nabanggit o nagnanais ng isang walang bayad na pag-aaral ng Bibliya sa tahanan, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5.