“Isang Regalong Nararapat Para sa Lahat”
Iyan ang sulat ng isang 82-taóng-gulang na lalaki sa Switzerland hinggil sa aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Ang aklat, na unang inilathala noong 1991, ay naghaharap ng bawat pangyayari sa buhay ni Jesus sa lupa sa 133 kabanata nito gaya ng inilahad ng apat na Ebanghelyo. Bakit gayon na lamang ang pananabik ng mambabasa?
“Ang aklat ay napakainam na basahin,” ang kaniyang sulat. “Ito’y may malinaw na pagkakasulat at napakahusay ng balarila, na hindi makikita sa maraming ibang aklat.” Ang lalaki ay namangha rin sa mahigit na 200 may kulay na larawan, na “parang buháy na buháy.” Sinabi pa niya: “Ang mga kilos, binabadya ng mukha, at ang banayad na mga kulay ay napakatotoo.”
Ang matandang lalaki ay nagmungkahi na ibigay ng mga tao ang aklat na ito sa iba bilang regalo. Ipinapalagay niya na ito’y “kahanga-hanga at nakapagtuturong aklat . . . isang regalong nararapat para sa lahat.” Ganiyan din ang aming palagay.
Kung ibig mong makatanggap ng isang kopya ng Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman o magkaroon ng isang libreng pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5.
[Larawan sa pahina 32]
ANG PINAKADAKILANG TAO NA NABUHAY KAILANMAN