Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g93 11/8 p. 32
  • “Palagi Akong Pinasisigla ng mga Ito”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Palagi Akong Pinasisigla ng mga Ito”
  • Gumising!—1993
Gumising!—1993
g93 11/8 p. 32

“Palagi Akong Pinasisigla ng mga Ito”

“HINDI pa ako kailanman nakasulat sa inyo noon, subalit ibig ko kayong pasalamatan sa lahat ng nakapananabik at naaangkop na mga artikulo na inyong inilathala sa Ang Bantayan at Gumising!

“Nagbabasa na ako ng mga magasing ito pasimula pa noong 1974, at ang mga ito sa simula pa’y nakapagtuturo, nakapagpapasulong, at nagpapagalak. Palagi akong pinasisigla ng mga ito. Ako’y madaling manlumo, at kung ako’y kumukuha at bumabasa ng isang labas ng alinman sa mga magasin, malaki ang ipinagbabago ng aking pakiramdam. Paulit-ulit akong natutulungan ng isang artikulo na makitungo sa iba nang higit na mahusay at maging mas maunawain. Natulungan ako ng mga ito na maunawaan ang aking sarili.

“Waring sa nakalipas na taon, napakaraming artikulo ang angkop sa akin, lalo na ang mga artikulo tungkol sa ‘Mga Babae​—Karapat-dapat sa Paggalang’ [Gumising! Hulyo 8, 1992] at ‘Tulong Para sa mga Alkoholiko at sa Kanilang mga Pamilya’ [Gumising! Mayo 22, 1992]. Kamamatay lamang ng aking ina, at ang mga seryeng pinamagatang ‘Kapag ang Isang Minamahal ay Namatay’ [Gumising! Hulyo 22, 1992] ay tunay na nakatulong.

“J. A., North Carolina, E.U.A.”

Kung nais ninyong tumanggap ng higit pang impormasyon hinggil sa mga magasing ito na salig sa Bibliya, pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa Kingdom Hall sa inyong lugar, o sumulat sa direksiyong malapit sa inyo na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share