Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 5/22 p. 32
  • Makakukuha ba ng Higit na mga Kopya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Makakukuha ba ng Higit na mga Kopya?
  • Gumising!—1994
Gumising!—1994
g94 5/22 p. 32

Makakukuha ba ng Higit na mga Kopya?

“MAAGA noong Nobyembre,” sulat ng isang babae buhat sa Michigan, E.U.A., “kami ng aking biyenang-babae ay nasa isang imprentahan sa Grand Rapids na nagpo-photocopy ng ilang materyal nang mapansin ko ang isang babae na nagpo-photocopy ng napakaraming materyal tungkol sa chronic fatigue syndrome (CFS). Tinanong ko siya kung nagkaroon ba siya ng pagkakataong mabasa ang artikulo sa magasing Gumising! na tumatalakay tungkol sa CFS.

“‘Hindi. Nabalitaan ko ang tungkol dito pero hindi ako kailanman tumanggap ng isang kopya,’ sagot niya.

“Tinanong ko siya kung nais niya ng isang kopya.

“‘Maikukuha mo ba ako ng isa?’ tanong niya.

“Ipinaliwanag ko na ako ay isa sa mga Saksi ni Jehova at nagkataong mayroon akong dalawang ekstrang kopya ng labas na iyon. Buweno, ibinigay niya sa akin ang kaniyang direksiyon, at nang maglaon ay ipinadala ko sa koreo ang kaniyang ang mga kopya. Hiniling ko sa kaniya na kung maaari’y sulatan niya ako upang ipaalam sa akin kung ano ang palagay niya tungkol sa artikulo.”

Pagkalipas ng ilang araw, ang babae ay sumulat: “Maraming-maraming salamat. Ang artikulong ipinadala mo sa akin ay kahanga-hanga. Ito’y sinaliksik nang husto at mahusay ang pagkakasulat. . . . Maaari ba akong makakuha, sabihin na natin, mga 1,000 kopya nito? Babayaran ko ang mga ito at nais kong ibahagi ang impormasyong ito sa lahat.”

Nang malaman ng babaing ang mga tao ay maaaring mag-abuloy sa pambuong daigdig na gawaing pangangaral na isinasagawa ng mga Saksi ni Jehova, siya ay gumawa ng isang tseke para sa Watchtower Bible & Tract Society. Sinabi niyang ipamamahagi niya ang mga magasin sa 17 iba’t ibang support group sa ibayo ng Michigan.

Higit pa ang ginagawa ng Gumising! kaysa ipakita lamang sa mga mambabasa nito kung paano mahaharap ang mga problema sa ngayon. Pinatitibay rin nito ang pagtitiwala sa pangako ng Maylikha tungkol sa isang mapayapa at tiwasay na bagong sanlibutan.

Kung nais mong magkaroon ng higit na impormasyon o isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share