Mga Magasin na Nakatutugon sa Kasalukuyang mga Pangangailangan
Ganiyan nga ang ginagawa ng Ang Bantayan at Gumising!—mahigit na 58 milyon kopya ang inililimbag sa bawat buwan sa mahigit na isang daan wika. Isang mapagpahalagang mambabasa ang sumulat:
“Maraming-maraming salamat sa paglalathala ng mga artikulong tumatalakay sa tunay na mga isyu na nakakaharap ng marami.” Sinabi rin niya:
“Habang papalapit na ang wakas ng sanlibutang ito, ang mga tao ay nangangailangan ng empatiya, pang-unawa, at matalinong unawa upang tulungan silang harapin ang kanilang mga problema. Higit at higit, tinatalakay ng mga magasing Bantayan at Gumising! ang mga dahilan kung bakit kung minsan hindi nahaharap ng mga tao ang kanilang mga problema . . .
“Nais na gawin ng karamihan kung ano ang tama, subalit kadalasan ay nakikipagpunyagi sila sa mga kabiguan, pagkadama ng pagkakasala, negatibong mga saloobin, pangamba, mababang pagpapahalaga sa sarili, mahinang mga kaugaliang pangkaisipan, at ang pagkadama na sila ay walang-kaya upang tulungan ang kanilang sarili. Ang inyong mga artikulo ay tumutulong sa marami na muling masupil ang kanilang buhay at mga damdamin. . . .
“Nais kong pasalamatan kayo lalo na para sa Enero 22, 1994, na Gumising! tungkol sa ‘Komunikasyon sa Pagitan ng Mag-asawa.’ Sa halip na magbigay ng karaniwang kasabihan tungkol sa kahalagahan ng komunikasyon, pinakasaliksik ninyo ang mga dahilan kung bakit hindi nauunawaan ng mga lalaki at mga babae ang isa’t isa. Sa pagtulong sa kalahati ng populasyon na maunawaan ang kalahati pa, nakagawa kayo ng malaking paglilingkod sa sangkatauhan at sa bigay-Diyos na institusyon ng pag-aasawa.”
Kung nais mo ng isang kopya ng Ang Bantayan at Gumising! na ipadadala sa inyong tahanan sa pamamagitan ng koreo, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.