Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 8/22 p. 32
  • Gawing Maligaya ang Inyong Buhay Pampamilya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gawing Maligaya ang Inyong Buhay Pampamilya
  • Gumising!—1994
Gumising!—1994
g94 8/22 p. 32

Gawing Maligaya ang Inyong Buhay Pampamilya

NANG isang pasyente sa South Carolina, E.U.A., ay magpadala ng tract na Tamasahin ang Buhay Pampamilya sa isa sa kaniyang mga nars, tinawagan siya sa telepono ng nars upang pasalamatan siya dahil dito. Sinabi ng nars na ibinahagi niya ang tract sa kaniyang asawa at may pagpapahalagang binasa nila ito na magkasama. Sa katunayan, sinabi ng nars na hindi sila makapaniwala na may makukuhang isang napakapositibong bagay upang tumulong sa mga pamilya.

Ang pasyente ay nagpaliwanag: “Sinabi sa akin ng nars na ang impormasyon ang siya mismong pinag-uusapan nilang mag-asawa tungkol sa mga huwaran at positibong mga bagay sa pamilya subalit wala silang kaalam-alam na may makukuha palang nakalimbag na impormasyon tungkol sa paksang ito. Tinapos niya ang tawag sa telepono sa pagsasabing dala-dala niya ang munting tract saanman siya magpunta at paulit-ulit itong binabasa. Sinabi niya na kung mayroon pa akong ibang impormasyon tungkol sa buhay pampamilya pakisuyong ipakita ko iyon sa kaniya.”

Pinadalhan ng pasyente ang nars ng aklat na Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya at gumawa ng mga plano na makipagkita sa nars upang talakayin ito na kasama niya. Marahil pahahalagahan mo rin ang impormasyon upang tulungang maging mas maligaya ang inyong buhay pampamilya. Kung nais mong tumanggap ng isang kopya ng Tamasahin ang Buhay Pampamilya at Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya o magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share