‘Isa sa Pinakamalaking Biro sa Kasaysayan’
“AKO mismo ay kumbinsido na ang teoriya ng ebolusyon, lalo na ang lawak ng pagkakapit nito, ay magiging isa sa pinakamalaking biro sa mga aklat ng kasaysayan sa hinaharap. Ang salinlahi sa hinaharap ay magtataka na ang isang teoriya na napakahina at di gaanong mapaniniwalaan ay maaaring tanggapin gayong ito’y hindi pakani-paniwala.” Iyan ang mga salita ng Britanong brodkaster at manunulat na si Malcolm Muggeridge (1903-90) sa mga lektyur na ipinahayag niya sa University of Waterloo, Ontario, Canada. Sinabi pa niya: “Sa palagay ko ay nabanggit ko na sa inyo noon ang tungkol sa panahong ito bilang isa sa pinakamapaniwalain sa buong kasaysayan, at isasama ko ang ebolusyon bilang isang halimbawa.”
Kung gayon bakit napakaraming siyentipiko ang naniniwala sa ebolusyon? Ang tanong na iyan at marami pang iba ay isinasaalang-alang nang detalyado sa 254-pahinang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Kung nais mong mabasa ang aklat na ito, malayang makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar, o sumulat sa pinakamalapit na direksiyon na nakatala sa pahina 5.
Ang Kristiyanong gawaing pagtuturo ng mga Saksi ni Jehova ay suportado ng kusang mga abuloy.