Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 12/22 p. 32
  • ‘Kung Ano ang Nagligtas sa Buhay ng Aking Anak’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Kung Ano ang Nagligtas sa Buhay ng Aking Anak’
  • Gumising!—1994
Gumising!—1994
g94 12/22 p. 32

‘Kung Ano ang Nagligtas sa Buhay ng Aking Anak’

Isang ina sa California, E.U.A., ang nagpaliwanag na ang kaniyang nabasa sa Ang Bantayan at ang kasama nitong magasin, ang Gumising! ang nagligtas sa buhay ng kaniyang anak na lalaki. Ganito ang sulat niya:

“Kami ng aking maliit na anak na lalaki (apat na taon) ay dinukot habang may nakatutok na baril at sapilitang pinagmaneho tungo sa aking bangko. Ninakawan ako ng sumalakay, pero nahablot ko ang aking anak at nakatakas. Ang inaakala ko na totoong nagligtas sa buhay ng aking anak, gayundin naman sa akin, ay ang praktikal na mga mungkahi ng Bibliya na inilathala sa napakahalagang mga magasing ito.”

Isinusog pa ng ina sa kaniyang paliwanag ang ganito: “Bago nito ay nabasa ko sa isa sa mga magasin ng Gumising! kung paano manatiling kalmado kapag napaharap sa mapanganib na kalagayang gaya nito. Kaagad akong nanalangin sa Diyos na Jehova na tulungan akong maging kalmado. Napanatili ko ring payapa ang sumalakay sa pamamagitan ng pagsipi sa kaniya ng mga teksto sa Bibliya.”

Ang layunin ng Ang Bantayan at Gumising! ay upang ipakita na ang mapanganib na panahon natin ay inihula sa Bibliya. Ang mga ito ay naglalaan din ng tulong upang mabata ng mga tao ang maigting na mga kalagayan sa ngayon. Subalit higit pa ang ginagawa ng mga magasing ito. Itinatampok ng mga ito ang tanging permanenteng lunas​—ang pamahalaan ng Kaharian ng Diyos na itinuro ni Jesu-Kristo na idalangin ng kaniyang mga tagasunod. (Mateo 6:9, 10) Tiyak na ikaw ay makikinabang mula sa regular na pagbabasa ng Ang Bantayan at Gumising!

Kung ibig ninyo na mapadalhan ng mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! sa inyong tahanan, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share