Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 5/8 p. 32
  • Paglinang ng Isang Malusog na Lipunan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paglinang ng Isang Malusog na Lipunan
  • Gumising!—1995
Gumising!—1995
g95 5/8 p. 32

Paglinang ng Isang Malusog na Lipunan

ANG kinatawang editor ng magasing New African ay sumulat kamakailan: “Magtungo ka sa anumang bansa sa Aprika ngayon at masusumpungan mo ang maliit na grupo ng mayayaman na namumuhay sa luho samantalang ang karamihan ay dumaranas ng mapaniil na karukhaan. . . . Paano natin matatakasan ang silong ito ng karukhaan? Ang payak na lunas ay: alisin ang grupo ng mayayaman at ibahagi ang kayamanan. Sa katotohanan, hindi ito gumagana. Una sa lahat, walang sapat na kayamanan para sa lahat. Ikalawa, alisin mo ang grupo ng mayayaman at agad itong papalitan ng isa pang grupo ng mayayaman. Ikatlo, ang mga pag-eeksperimento sa sosyalistang mga uliran ay [nagtagumpay] lamang sa pantay na pamamahagi ng karukhaan.

“May isa lamang lunas na naging mabisa sa lahat ng bansa sa lahat ng gulang: ang paglinang sa indibiduwal. Mga tao ang lumilikha ng mga lipunan. Ang edukado, malusog, positibo at mapanlikhang mga tao ay tiyak na gagawa ng malusog, masiglang mga lipunan.”

Kung ang kinatawang editor ay naghahanap ng isang halimbawa, makasusumpong siya ng isa sa mga Saksi ni Jehova. Sa Aprika, sa katunayan sa buong daigdig, ang mga Saksi ay gumagawa upang tulungan ang mga tao na maging edukado, malusog na mga miyembro ng isang pangglobong lipunan. Bukod dito, kanilang tinuturuan ang mga adultong hindi marunong bumasa’t sumulat na bumasa’t sumulat. Sa pamamagitan ng kanilang mga publikasyon, sila’y nagtuturo tungkol sa kalinisan, pangangalagang pangkalusugan, at mga kaugnayang pampamilya. Sa kanilang mga pulong gayundin nang isahan, hinihimok ng mga Saksi ang isa’t isa na sumunod sa payo ng Bibliya na maging tapat, masipag, at mabunga.

Ang resulta ay isang malakas, masiglang lipunan na binubuo ng halos limang milyong tao sa buong daigdig. Subalit hindi kinukuha ng mga Saksi ang karangalang ito sa kanilang sarili. Ang karangalan ng kanilang espirituwal na kasaganaan ay ibinibigay nila sa buháy na Diyos, na nagsasabi: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, ang Isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong dapat lakaran.”​—Isaias 48:17.

Kung nais mo ng higit na impormasyon tungkol sa Bibliya at sa praktikal na payo nito, pakisuyong makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa Kingdom Hall sa inyong lugar, o sumulat sa pinakamalapit na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share