Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 10/8 p. 3
  • Mga Pamilyang May Nagsosolong Magulang—Nauuso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pamilyang May Nagsosolong Magulang—Nauuso
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Nagsosolong Magulang, Maraming Problema
    Gumising!—2002
  • Paano Ko Pakikitunguhan ang Aking Humiwalay na Magulang?
    Gumising!—1990
  • Ang Pagiging Matagumpay na Nagsosolong Magulang
    Gumising!—1995
  • Dumaraming Pamilya na May Nagsosolong Magulang
    Gumising!—2002
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 10/8 p. 3

Mga Pamilyang May Nagsosolong Magulang​—Nauuso

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA BRITANYA

“MAYROONG mas maraming pamilyang may nagsosolong magulang sa UK kaysa anumang bansa sa Europa,” ulat ng The Times ng London. “Ang mga nagsosolong magulang . . . ang mga ulo ng pamilya ngayon sa halos isa sa limang pamilya sa UK na may mga anak na wala pang 18 anyos, kung ihahambing sa isa sa pito sa mga pamilya sa Denmark at isa sa walo sa Alemanya at Pransiya.”

Sa bawat sampung nagsosolong magulang sa Britanya, siyam ang mga babae. Ang tradisyonal, o ang tinatawag na nuklear, na pamilya na binubuo ng isang ama at isang ina kasama ang kanilang mga anak ay waring isa lamang “idea ng pamilya” sa iba. Ngunit bakit mas palasak higit kailanman ang pamilyang may nagsosolong magulang?

Ang diborsiyo at paghihiwalay ang pangunahing mga dahilan. Tungkol dito sinusundan ng Britanya ang kausuhan sa Estados Unidos, na doo’y halos kalahati ng lahat ng pag-aasawa ay nagwawakas sa diborsiyo. Nagbago rin ang inaasahan ng mga tao sa pag-aasawa. Ayon kay Zelda West-Meads ng Relate, isang organisasyon na nagpapayo tungkol sa pag-aasawa, 20 o 30 taon na ang nakalipas, “ang papel ng lalaki’t babae ay mas malinaw. Ang lalaki ang naghahanapbuhay; ang babae ang nangangalaga.” Subalit kumusta na sa ngayon? “Ang mga pag-aasawa sa ngayon ay maaaring maging higit na nakagaganyak at nakatutuwa, ngunit maaari rin itong maging mas mahirap. Ang mga babae ay nagnanais ng higit pa mula sa pag-aasawa kaysa inasahan ng kanilang mga ina at mga lola. Nais nila ng pagkakapantay-pantay, isang mahusay na mangingibig, isang mabuting kaibigan, mga posibilidad sa karera para sa kanilang mga sarili​—at mga anak din naman.”

Ang pakikipagtalik sa kanino man na maibigan na itinatampok sa daigdig ng libangan ay humahamak sa tradisyonal na pamilya. Ang mga kabataang nagkakaroon ng mga karanasan sa pakikipagtalik sa napakaagang gulang ay kadalasang walang kaalam-alam sa posibleng mga kahihinatnan. Sa kanila ang pag-aasawa ay kumakatawan ng isang paghihirap, isang pagbawas ng kanilang personal na kalayaan, isang di-kinakailangang komplikasyon sa buhay.

Ang ilan ay pinipili ang pagiging nagsosolong magulang; ang iba ay nagiging gayon dahil sa mga kalagayan. Kapag napilitang malagay sa kalagayan ng nagsosolong magulang, maraming may-asawa ang hindi maligaya sa kanilang pagsasarili. Kabilang dito ang mga taong maligaya sa kanilang pag-aasawa ngunit nawalan ng kanilang kapareha sa buhay dahil sa kamatayan.

Sa kabilang dako, mayroon namang ang mga pag-aasawa ay batbat ng mapapait na pagkakapootan. Nakasusumpong sila ng ginhawa sa pagpapalaki sa kanilang mga anak na nag-iisa. Marami sa mga ito ang nagkokomento tungkol sa pagkakaroon nila ng malapit na kaugnayan sa kanilang mga anak.

Bagaman maraming kaso ng nauusong mga pamilyang may nagsosolong magulang, pagdating sa mga pananagutan at mga hamon sa araw-araw na pamumuhay, ang mga nagsosolong magulang ay may partikular na mga pagkabalisa. Anu-ano ito? At paano matagumpay na mababalikat ng mga nagsosolong magulang ang kanilang mga pananagutan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share