Tulong sa mga Kabataang Nasa Kagipitan
Nang isang kabataang babae sa isang paaralan sa New Jersey, E.U.A., ay nabalisa at lumabas ng silid-aralan, isang kaklase ang sumunod sa kaniya sa palikuran ng mga babae. “Paglapit ko sa kaniya,” sabi ng kaklase, “siya’y umiiyak at sinabi niya sa akin ang tungkol sa ilan sa mga problema niya sa pamilya. Ang kaniyang mga magulang ay magdidiborsiyo, at sinabi niyang nahihirapan siyang magtuon ng isip sa kaniyang pag-aaral. Sinabi niya sa akin na gusto niyang lumayas sa kanila.”
Sinabi ng kaklase sa nanlulumong batang babae na dadalhan niya siya ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. Kinabukasan gayon nga ang ginawa niya, binilugan niya para sa kaniyang kaibigan ang mga pamagat ng kabanata na gaya ng “Bakit Ko Dapat ‘Igalang ang Aking Ama at ang Aking Ina’?,” “Bakit Naghiwalay si Itay at si Inay?,” “Papaano Ko Malalabanan ang Panggigipit ng Kasamahan?,” at “Dapat Ko Bang Lisanin ang Aming Tahanan?”
“Nang ibigay ko sa kaniya ang aklat,” sabi ng kaklase, “dalawa pang batang babae ang nakakita nito at nag-usisa. Tinanong nila kung maaari rin silang magkaroon ng isang kopya. Kaya binigyan ko ang bawat isa sa kanila ng isang kopya ng aklat. Nakita ng iba pang bata sa aking klase ang isa sa mga batang babae na binubuklat ang mga pahina ng aklat, at silang lahat ay nagnanais na makita ito. Ang aklat ay naipasa sa silid-aralan taglay ang pagsang-ayon ng guro.”
Kung nais mong magkaroon ng isang kopya ng Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas o nais mong magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.