“Tumulo ang Luha sa Aking Mukha”
“Kabubukas ko lamang ng aking Marso 8, 1995, na Gumising! at binasa ko ang artikulo sa pabalat sa likod na nag-aalok sa brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Ang artikulo ay pinamagatang ‘Napakahirap Lumaki Nang Wala Siya.’ Tumulo ang luha sa aking mukha habang binabasa ko ang mga komento mula sa isang kabataan sa Austria na namatayan ng ama sampung taon na ang nakalipas. Ako’y 50 taóng gulang, at ang aking tatay ay namatay noong ako’y 7. Siya’y namatay dahil sa kanser sa gulang na 39. Kasisimula ko pa lamang magdalamhati sa kaniyang kamatayan nang ako’y maospital dahil sa matinding panlulumo anim na taon na ang nakalipas. Ako’y ginamot sa nakalipas na limang taon at kailangan kong pagtagumpayan ang ilang mahihirap na bagay.
“Noon lamang mabasa ko ang liham na ito mula sa Austria, naniniwala ako na may malaking diperensiya ako o sa aking pananampalataya. Naisip ko na ako lamang ang taong may pagkalaki-laking kahungkagan sa loob ko at isang matinding pangungulila sa aking ama. Lubhang nakapagpapatibay-loob na malaman na hindi ako nag-iisa at na may iba rin na nakadarama na gaya ko.
“Nabasa ko ang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal mula sa umpisa hanggang sa katapusan. Sa palagay ko, ito ang pinakamagaling na publikasyong naisulat kailanman para sa aking mga pangangailangan.”—Gng. A. G., Connecticut, E.U.A.
Ikaw ba’y namatayan na ng isang minamahal? Nais mo bang tumanggap ng tunay na kaaliwan na ibinibigay ng Bibliya? Kung gayon ay humiling ng isang kopya ng 32-pahinang brosyur na ito sa pamamagitan ng pagsulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.