Naakit ng mga Ito ang Kaniyang Atensiyon
Noong Mayo 1995 isang babae sa New York City ay sumulat sa punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Brooklyn, New York. Ganito ang sabi niya:
“Ako’y naglalakad sa East 124th St., sa pagitan ng First Avenue at Second Avenue. Ako’y napayuko, at inililipad ng hangin ang ilang pulyeto. Ako’y yumukod at dinampot ang tatlo sa inyong mga pulyeto, Kaaliwan Para sa Nanlulumo, Tamasahin ang Buhay Pampamilya, at Sino Talaga ang Nagpupuno sa Sanlibutan? Binasa ko ang mga ito at nasiyahan ako nang husto sa mga ito.
“Pahahalagahan ko kung padadalhan ninyo ako ng ilang impormasyon tungkol sa kursong libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya. At, kung maaari, nais kong tumanggap ng ilan sa inyong literatura. Para sa akin, isang pagpapala na inilagay ng mabait na Panginoon ang tatlong pulyeto sa harap ng daan ko upang masumpungan ko ito. Ang Panginoon ay talagang kumikilos sa kahima-himalang mga paraan.”
Kung nais mong basahin ang nakapupukaw-pansin na mga pulyetong ito o nais mong magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.