Isang Mahalagang Kagamitan sa Pagtuturo
Isang miyembro ng parlamento sa bansa ng Sri Lanka ang sumulat sa “Ang Editor ng ‘Gumising!’” Ang kaniyang liham ay inulit sa ibaba:
“Mahal na Ginoo,
“Masasabi na bagaman ang magasing Gumising! na inilalathala ninyo ay maliit, ito ay lubhang mahalaga at napapanahon. Ang bawat artikulo ay nakatutulong sa mga kabataan sa ngayon upang makita nila nang malinaw ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama.
“Nabasa ko ang lahat ng mga artikulo. Sa palagay ko ay dapat na basahin ng bawat guro, mag-aaral, at magulang ang magasing ito.
“Taimtim kong pinahahalagahan ang mahusay na gawain na inyong ginagawa. Hinahangad ko ang inyong patuloy na tagumpay sa inyong mga pagsisikap.”
Halos 16 na milyong kopya ng bawat labas ng Gumising! ang inililimbag, sa 78 wika. Ang magasin ay kilala sa buong daigdig bilang isang mahalagang kagamitan sa pagtuturo. Ikaw man ay makikinabang sa pagbabasa nito. Kung nais mo ng isang kopya o nais mong magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.